ANAK NG MAYOR PATAY SA MOTORCYCLE ACCIDENT

0

QUEZON – Binawian ng buhay ang anak ng mayor ng Lucban habang isa pa ang kritikal ang kalagayan makaraang masalpok ng isang delivery van ang dalawang motorsiklong minamaneho ng mga biktima sa nasabing bayan noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng Lucban Police ang biktimang namatay na si Guitahm Oli Salvacion Dator, 17-anyos, anak ni Lucban Mayor Celso Olivier Dator.

Kritikal naman ang 20-anyos na binata at kaibigan ng biktima na si Sydney Mykel Ramos Saliendra, empleyado ng lokal na pamahalaan ng Lucban.

Ayon sa police report, nasalpok ng Elf truck na minamaneho ni Brian Abana, 32-anyos, residente ng Candelaria, Quezon, ang magkasunod na motorsiklo na minamaneho ng dalawa sa isang intersection sa loob ng town proper dakong alas-9:50 ng gabi.

Base naman sa kuha ng CCTV, papatawid at nasa gitna ng intersection ng Rizal Avenue at Racelis Avenue ang dalawa nang matumbok ang mga ito nang mabilis na paparating na truck.

Kapwa grabeng napinsala sa ulo at katawan ang dalawa na agad isinugod sa MMG Hospital sa Lucban ngunit nalagutan ng hininga si Dator makaraan ang halos tatlong oras habang nilalapatan ng lunas.

Nananatili namang kritikal ang kalagayan at walang malay si Saliendra.

Agad naaresto ng mga pulis ang driver ng truck na sasampahan ng kaukulang kaso. (NILOU DEL CARMEN)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment