APELA NG SMARTMATIC SA DQ NG COMELEC KINONTRA

NANINIWALA ang isang election watchdog na patas ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) sa pagdiskwalipika sa automated election service provider na Smartmatic.

Ang pahayag ng Kontradaya, isang election watchdog ay tugon sa inihaing petisyon ng Smartmatic sa Korte Suprema na humihingi ng temporary restraining order o TRO upang mapigilan ang desisyon ng Comelec.

Ayon sa Kontradaya, desperadong hakbang na lamang ng Smartmatic ang pagpapasaklolo sa Mataas na Hukuman.

Naniniwala ang naturang election watchdog na maraming nagawang paglabag sa election process ang Smartmatic.

Kinakailangan nga anila na magsama-sama ang lahat ng election watchdog na tutulan ang apela ng Smartmatic sa Korte Suprema.

(JULIET PACOT)

103

Related posts

Leave a Comment