ARMY OFFICER PATAY, 3 SUNDALO SUGATAN SA CTG SA ALBAY

KINONDENA ng pamunuan ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army ang patraydor na pag-atake ng communist terrorist group (CTG) sa tropa ng gobyerno na ikinamatay ng isang sundalong opisyal sa Barangay Ramay, Oas, Albay, noong Miyerkoles.

Una rito, nakatanggap ng ulat ang Army 49th Infantry Battalion ukol sa isinasagawang extortion activity ng isang grupo ng communist terrorists sa isang construction project sa lugar na agad nilang benirepika.

Subalit pagsapit ng mga sundalo sa sinasabing lugar ay biglang umalingawngaw ang malakas na pagsabog mula sa itinanim na anti-personnel mine ng CPP-New People’s Army na ikinamatay ni 2Lt. Nico Malcampo at ikinasugat ng tatlo pang sundalo.

Agad na sinundan ito ng sunod-sunod na putok na agad ding sinagot ng mga sundalo na nagresulta sa pagkamatay ng isang miyembro ng CTG habang nasamsam ng tropa ang tatlong matataas na kalibre ng baril at iba pang kagamitang terorista sa pinangyarihan ng insidente. (JESSE KABEL RUIZ)

135

Related posts

Leave a Comment