ASPIRING RAPPER BINARIL SA ULO

patay

ANTIPOLO CITY – Dead on the spot ang isang binata matapos na barilin  sa ulo ng hindi kilalang suspek sa lungsod na ito noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktimang si John Mark Cinco, 18, isang aspiring local rapper at residente ng Antipolo City.

Batay sa report ng Antipolo City Police, dakong alas-7:30 ng gabi, nakatambay ang biktima sa harap ng isang sari-sari store sa Sitio Ruhat 5 Upper, Brgy. Mambugan kasama ang ilang kaibigan nang dumating ang nag-iisang suspek.

Bumili muna ng juice sa tindahan ang suspek at saka biglang bumunot ng baril at pinaputukan ng isang beses sa ulo ang biktima na agad nalagutan ng hininga.

Mabilis namang tumakas ang suspek na sumakay sa motorsiklo patungo sa direksyon ng Sumulong highway.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Antipolo Police at inaalam ang posibleng motibo sa krimen at kung sino ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)

29

Related posts

Leave a Comment