Augmentation sa Balikatan FIRE TRUCK BUMANGGA SA PUNO, 2 SUGATAN

CAVITE – Sugatan ang driver at pasahero ng isang fire truck na kabilang sa augmentation para sa BALIKATAN Exercises 2023, nang bumangga sa isang puno sa gilid ng kalsada sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga.

Nilalapatan ng lunas ang biktimang si Raymond Rodriguez y Chua, driver ng fire truck na may plakang RCU 491, at pasahero nito na si Joshua Emmanuel Llvera y Lorenzo, dahil sa mga sugat sa katawan.

Ayon sa ulat ni PSMSgt. Alfredo Guevarra Jr. ng Ternate Police Station, minamaneho ni Rodriguez ang fire truck at sakay nito si Llvera dakong alas-11:00 ng umaga at binabagtas ang kahabaan ng Ternate-Nasugbu Road, sakop ng Sitio Cacabay, Brgy. Sapang 2, Ternate, Cavite at patungo sa Marine barracks sa Gregorio Lim sa Sitio Calumpang, Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite.

Ngunit pagsapit sa nasabing lugar nang lumipat ang driver sa low gear subalit hindi umubra dahilan upang mawalan ng preno ang fire truck na umandar nang paurong at sumalpok sa isang punongkahoy na naging dahilan ng pagkasugat ng mga biktima.  (SIGFRED ADSUARA)

43

Related posts

Leave a Comment