LAGUNA – Malubhang nasugatan ang isang 11-anyos na batang lalaki matapos mabaril ng lalaking nakaaway ng kanyang tiyo habang patungo sa pangunguryente ng isda sa bayan ng Victoria sa lalawigan noong Sabado ng gabi.
Ayon sa report ng Victoria Police, bandang alas-9:30 ng gabi, kasama ang biktima ng kanyang tiyong si Junmark Calapatia upang manguryente ng isda sa palayan sa Purok 1, Barangay Masapang, ngunit nadatnan ng mga ito sa lugar ang lalaki na akmang mangunguryente rin ng isda.
Nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at ng tiyo ng bata na humantong pagbunot ng baril ng una at nagpaputok ngunit ang biktima ang tinamaan.
Agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril habang
isinugod sa Global Medical Center sa bayan ng Bay ang biktima at inilipat din kaagad sa Laguna Medical Center sa Sta. Cruz dahil sa maselang kalagayan.
(NILOU DEL CARMEN)
119