Babae itinumba, ka-live-in sapul din MADUGONG AFTERNOON WALK

DEAD on arrival sa ospital ang isang 38-anyos na ginang makaraang barilin sa ulo ng lone gunman habang nasa malubhang kalagayan ang kinakasama niyang tinamaan ng ligaw na bala noong Lunes ng gabi sa Hermosa St., Tondo, Manila.

Kinilala ni P/Lt. Col. Cenon Vargas Jr. ang biktimang si Abigail Ampil y Febres, naninirahan sa Benita St., Tondo.

Nasa malubhang kalagayan naman ang live-in partner nitong si Kagawad Frankie Seña y Perez, 28, ng nasabi ring lugar.

Batay sa ulat na isinumite ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, kay P/BGen. Leo “Paco” Francisco, District Director, bandang alas-5:40 ng hapon nang mangyaril ang pamamaril sa harap ng Sunog Apog Pumping Station sa Barangay 183 sa Hermosa St., sakop ng MPD-Station 1.

Ayon sa report ng pulisya, kitang-kita sa kuha ng CCTV ang ginawang krimen ng nag-iisang suspek.

Nabatid sa imbestigasyon, kapwa naglalakad ang dalawa sa Hermosa St. ngunit pagsapit sa lugar, isang nagsosolong gunman ang lumapit at patraydor na binaril ang ginang sa ulo. Minalas namang tinamaan ng ligaw na bala sa katawan si Seña.

Kapwa isinugod sa Chinese General ang dalawa subalit dakong alas-6:50 ng gabi nang ideklarang dead on arrival si Ampil habang patuloy na inoobserbahan si Seña. (RENE CRISOSTOMO)

3

Related posts

Leave a Comment