BABAE NAIPIT SA GUMUHONG GUSALI SA MALABON

ISANG babae ang naipit ng mga piraso ng gumuhong apat na palapag na gusali sa Malabon City nitong Linggo ng umaga, Disyembre 4.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang biktimang si Ronalyn Tumbocon, nasa hustong gulang, habang isinusulat ito ay inililigtas ng mga kawani ng BFP at iba pang rescuers.

Nabatid mula sa Malabon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), gumuho ang nasabing residential building sa Orchid St., Barangay Longos, ng lungsod, dakong 6:30 ng umaga nitong Linggo, at dalawang pamilya ang naapektuhan.

Inatasan na umano ng DRRMO ng lungsod ang mga residente malapit sa gumuhong gusali, na pansamantalang lisanin ang kanilang mga bahay.

Dagdag pa ng DRRMO, may posibilidad na gumuho ang nasabing gusali dahil mahina ang pundasyon nito, gayunpaman patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente. (ALAIN AJERO)

40

Related posts

Leave a Comment