BABAE PATAY SA PAGSABOG NG PABRIKA NG PAPUTOK

BULACAN – Patay ang isang babaeng trabahador ng pagawaan ng paputok nang sumabog ang mga sangkap na pulbura sa Barangay Bunlo, sa bayan ng Bocaue, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Riza Villanueva, 45-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, gumagawa ng kuwitis si Villanueva nang aksidente itong sumabog.

Sa lakas ng pagsabog, nasunog ang malaking bahagi ng katawan ng biktima at naputol ang kaliwang binti.

Agad itong isinugod sa ospital ngunit namatay dahil sa mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at mukha.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng pagsabog.

(NILOU DEL CARMEN)

351

Related posts

Leave a Comment