BABAE PATAY SA TANDEM SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang isang hindi pa kilalang babae makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa San Pablo City noong Martes ng gabi.

Ayon sa report ng San Pablo City Police, bago ang pamamaril, may nakitang isang kotse na huminto sa pinangyarihan ng insidente sa Brgy. San Lucas 1, dakong alas-10:15 ng gabi.

Lumapit dito ang biktima at kinakausap ang dalawang sakay na lalaki, subalit mula kung saan ay dumating ang mga suspek na magka-angkas sa motorsiklo.

Bumaba ang backrider at pinagbabaril nito ang babae at saka mabilis na sumakay muli at tumakas.

Kasunod na umalis ang hindi pa natukoy na kotse na unang dumating sa lugar.

Dead on the spot naman ang biktima na tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at patuloy

ang imbestigasyon sa insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

249

Related posts

Leave a Comment