BABAENG HUMINGI NG TULONG SA WOWOWIN, NA-SCAM NG P10K

QUEZON – Sa halip na makakuha ng tulong ay natangayan pa ng cash money ang isang babaeng humingi ng tulong sa TV show na Wowowin noong Linggo.

Sa pahayag nitong Lunes sa pulisya ng biktimang si Ruvy Gael, residente ng Brgy. Talisoy, Jomalig, Quezon, nanonood umano siya ng Wowowin sa kanyang cellphone nang maisipan niyang mag-comment sa comment section para sa tulong sa kanyang kapatid.

Aniya nag-comment siya ng “Sir kahit panggamot lang ng kapatid kong bunso na ‘di naaalis ang sugat sa ulo. Sana po matawagan niyo kami,” at saka nito inilagay ang kanyang cellphone number.

Kasunod nito ay may tumawag sa kanya na nagpakilalang siya si Willie Revillame na host ng show at sinabing nanalo siya ng P10,000.

Binigyan siya nito ng instruction na magpunta sa pinakamalapit na GCash Remittance Center para ma-claim ang kanyang premyo.

Subalit lingid dito, sa halip na pagka-cash out, pagka-cash in ang ibinigay sa kanyang instruction ng caller papunta sa isang GCash account number na 09351055265 na may pangalang Wenalyn T.

Matapos ang transaksyon, laking gulat ng biktima nang sinisingil siya ng GCash teller ng halagang P10,000 na ipinadala nito sa nasabing account number.

Napilitang magbayad ang biktima at saka nagsumbong sa pulisya. (NILOU DEL CARMEN)

18

Related posts

Leave a Comment