Babala ng QC LGU KUMPANYANG ‘DI MAG-UULAT NG COVID CASES KAKASUHAN

0

MULING inulit ng Quezon City government ang kanilang panawagan sa mga kumpanya na agarang i-report ang posibleng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa kanilang mga empleyado kung hindi ay mahaharap sila sa kasong paglabag sa COVID-19 protocols.

“We call on companies to immediately inform us about their workers who could be positive for COVID-19. This is to avoid the spread of the virus in their work area and to nearby communities,” ani Mayor Joy Belmonte.

“Kung hindi kayo makikipagtulungan at magdudulot kayo ng abala pati na sa komunidad, hindi kami magdadalawang isip na sampahan kayo ng kaso,” dagdag pa niya.

Si Belmonte ay nag-isyu ng paalala matapos iulat ni City Attorney Orlando Paolo Casimiro na may kaso nang naisampa dahil sa paglabag sa health protocols laban sa Millennium Erector Corporation (MEC).

Ang construction sa Manhattan Cubao ay nakapagtala ng 57 cases ng COVID-19 sa loob ng kanilang nasasakupan.

“If evidence proves that MEC was aware of its workers’ situation but failed to report to the CESU, then they may be held criminally liable pursuant to Section 2.c of the IRR of RA 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act,” ani Casimiro.

Ang Department of the Building Official (DBO), sa pamumuno ni Atty. Dale Perral, ay inendorso ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 11332 matapos na mag-isyu ng Cease and Desist Order noong Agosto 26 laban sa MEC na ipinatigil ang aktibidades sa nasabing konstruksyon.

Matapos na madiskubre ang one index case noong Agosto 16, ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ay nagsagawa ng mass testing sa 271 workers. Ang 13 nagpositibo at dinala sa city’s HOPE Facility.

Ang nasabing area ay isinailalim sa Special Concern Lockdown. Noong Agosto 21 ay may karagdagang 13 positive workers na dinala sa HOPE.

Samantala noong Agosto 26, nagsagawa ang CESU ng mass testing sa mga manggagawa. Ito ay matapos malaman ng barangay officials na marami sa kanila ang inuubo at humingi ng paracetamol.

Pagkaraan ay iniulat ng CESU na may 30 karagdagang workers ang naging positibo sa COVID-19. (JOEL O. AMONGO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment