BADYET SA LOKAL NA TURISMO PLANONG DAGDAGAN

KAILANGAN ng mga lokalidad ng mas malaking tulong mula sa pambansang pamahalaan para payabungin ang kani-kanilang turismo.

Dapat bahagian ng sapat na badyet ang bawat local government unit (LGU) para sa kanilang “sustainable tourism development,” at iyan ang ipapanukala ng Turismo Isulong Mo Partylist (156 TURISMO).

Sinabi ni Wanda Teo-Tulfo, 1st Nominee ng TURISMO,  dagsa na ang mga international at domestic visitors sa ating mga tourist destinations kaya kailangan na tiyakin na world-class at safe healthwise ang mga ito.

Ani Teo, Inaasahan na maraming Pilipino ang makakabalik sa paghahanapbuhay sa pagbubukas ng turismo makaraan ang pandemya.

Si Teo ay dating Department of Tourism secretary ay nagsabing kulang ang budget ng mga LGUs para payabungin at pangalagaan ang mga tourist attractions na di natututukan ng national government.

Giit ni Teo na ang mga LGU ay nangangailangan ng pondo para sa staff ng local tourism unit, visitors information center, pagtatayo ng mga pasilidad tulad ng palikuran, handwashing stations at pagbibigay ng seguridad sa turista.

Hangad ng TURISMO Partylist na isulong sa Kongreso ang kapakanan at interes ng tourism stakeholders, partikular na ang tourism workers, entrepreneurs, at mga komunidad sa mga tourist destinations sa buong bansa.

89

Related posts

Leave a Comment