BAGONG PCP ITINAYO SA SEAWALL NG BASECO

PINASINAYAAN ang bagong Police Community Precinct  na itinayo upang maiwasan ang anomang karahasan tulad ng holdapan, snatching, bentahan ng ilegal na droga, at iba’t ibang uri ng sugal, sa Sea Wall sa Block 20, Lot 47, New Site, Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area, Manila.

Bandang alas-10:00 ng umaga nang pangunahan ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, station commander, ang inagurasyon sa presinto na pinangalanang Sea Wall PCP.

Si dating Congresswoman Cristal Bagatsing ang nag-cut ng ribbon, na sinaksihan naman  nina Police Colonel Raul Tacaca, Deputy District for Administration ( DDDA) na kumatawan kay Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon.

Kasama rin sa okasyon si Police Colonel Igmedio Bernaldez ng District Logistic Department, at ang iba pang mga opisyal ng MPD, at ang barangay officials na pinamumunuan ni Punong Barangay Diana Espinosa.

Matapos ang pagputol ng ribbon, binasbasan naman ito ni Fr. Fray Asis Bajao ng Sto. Niño Church sa Baseco Compound.

Ipinagkaloob ang susi kay Police Captain Edward Zamora na hinirang na PCP commander.

“Tatahimik na ang lugar sa Baseco kasi madaragdagan  na ang mga pulis na magbabantay 24-oras,” pahayag pa ni Borbe. (RENE CRISOSTOMO)

25

Related posts

Leave a Comment