BAHAY INARARO NG TRUCK, SANGGOL NAKALIGTAS

DAVAO CITY – Himalang nakaligtas ang isang 9-buwan gulang na sanggol na babae matapos araruhin ng isang trailer truck ang bahay na kinaroroonan nito sa Brgy. Suawan, Marilog District sa lungsod noong Linggo ng umaga.

Ayon sa Marilog Police Station ng Davao City PNP, galing Bukidnon ang truck at papunta sa Davao City ngunit nawalan umano ng kontrol ang driver kaya dumiretso ito sa gilid ng kalsada at sumalpok sa bahay.

Bukod sa bahay, inararo rin ng truck ang isang tricycle at isang motorsiklo na parehong nakaparada sa gilid ng highway bago bumangga sa isang punongkahoy.

Ayon pa sa mga imbestigador, basa at madulas ang kalsada dulot ng pag-ulan ang posibleng dahilan ng pagkawala sa kontrol ng sasakyan at naging sanhi ng aksidente.

(NILOU DEL CARMEN)

26

Related posts

Leave a Comment