WALA nang dapat na alalahanin ang mga kandidato sa Barangay and Sangguniang Kabataan election dahil natapos na ang pag-imprenta ng official ballots, ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco.
Aniya ang naka-livestream na lang ay ang patuloy na cutting and sheeting at inspeksyon sa mga balota.
Ang nasabing batch accounts ay para sa official ballots na kailangan sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City District 6 na may 60,766 na botante; kasama ang Barangay Paliparan III, at Barangay Zone II sa Dasmariñas City, Cavite, na may 51,435 at 1,475 na rehistradong botante, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, sinabi ni Laudiangco, ang deployment ng lahat ng accountable forms kasama ang mga balota, ay magsisimula sa susunod na buwan.
Sa kabuuan, ang official ballots para sa pilot automated BSKE ay kabilang ang 86,165 balota para sa Barangay, at 27,511 balota para sa SK.
Sinabi ng Comelec, uunahin nila ang deployment ng official ballots sa liblib na mga lugar partikular sa Batanes, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kabilang ang Lanao del Sur, Maguindanao, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
(RENE CRISOSTOMO)
278