BANGKA ITINAOB NG ALON, LOLO PATAY

CAVITE – Bangkay na lumutang ang isang 70-anyos na karpintero nang itaob ng malakas na alon ang kanyang bagong bangka na ipinalaot upang subukan ang kapasidad nito sa dagat sa Cavite City noong Sabado ng hapon.

Hinihinalang may ilang oras nang patay nang natagpuan ng ilang mangingisda ang bangkay ng biktima sa gilid ng dagat, na kinilalang si Rolando Camasoza ng Cavite City.

Ayon sa ulat ng Cavite City Police, dakong alas-5:45 ng hapon nang magpaalam ang biktima sa misis nitong si Edna De Silos, na papalaot ito sa dagat sa Brgy. 58M dahil gustong subukan ang kanyang bagong bangka.

Gayunman, itinaob ang kanyang bagong bangka ng malakas na alon hanggang sa natagpuan na lamang ang katawan nito sa gilid ng dagat ng ilang mangingisda.

Tumanggi nang ipa-awtopsiya ang bangkay ng biktima dahil naniniwala ang asawa nito na walang nangyaring foul play sa pagkamatay nito. (SIGFRED ADSUARA)

12

Related posts

Leave a Comment