LAGUNA – Tinatayang mahigit P700,000 cash ang natangay ng lima kataong nanloob sa isang banko sa bayan ng Pagsanjan sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.
Ayon sa ulat, Martes ng umaga nang madiskubre ng mga empleyado ng Rural Bank of Lumban Incorporated – Pagsanjan branch ang nasabing pagnanakaw.
Base sa kuha ng CCTV, limang suspek, kabilang ang dalawang babae, ang nakitang nagnakaw sa banko dakong alas-11:25 noong Lunes ng gabi.
Kinilala ang mga ito na sina Esperanza Abe Aaliwin, Maris Dorado Castillo, Jules Kristoffer Javan Lopecillo, Warren Martinez Macale, at isa pang hindi natukoy ang pagkakakilanlan.
Nakapasok ang mga ito sa pamamagitan ng pag-akyat sa pader at saka tinanggal ang dalawang padlock ng roll-up ng maindoor at saka walang kahirap-hirap na itinaas.
Nagawa ring buksan ng mga ito ang vault at nilimas ang P727, 854 cash na laman nito.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, narekober sa loob ng vault ang isang pirasong papel kung saan nakasulat ang kombinasyon ng password nito.
Hinila ng pulisya, inside job ang pangyayari at may kasabwat ang mga suspek sa mga empleyado dahil wala ring nakitang senyales na pwersahang pinasok ang banko. May susi rin umanong ginamit ang mga suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon at pinaghahanap ang nakatakas na mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)
148