BARANGAY CHAIRMAN PATAY SA PAMAMARIL

BATANGAS – Patay ang isang 60-anyos na barangay chairman matapos na barilin ng hindi kilalang mga suspek sa Lipa City sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga.

Kinilala ni Lipa City chief of police, Lt. Col. Ariel Azurin ang biktimang si Vivencio Palo, residente at barangay captain ng Barangay San Carlos, Lipa City.

Ayon sa report, nakasakay sa likuran ng kanyang nakaparadang pick-up at nagbababa si Palo ng kanyang mga paninda para sa kanyang tindahan, ilang metro lang ang layo sa barangay hall, nang pagbabarilin ito ng mga suspek na sakay ng isang kotse dakong alas-5:15 ng umaga.

Sa kuha ng CCTV, galing sa bandang unahan ng pick-up ang kotse at saglit na tumigil nang tumapat sa biktima. Hindi na bumaba ang mga suspek at mula sa bintana ay pinagbabaril ng nasa nakaupo sa passenger seat, ang kapitan.

Nakaplano umanong tumakbong muli sa pagka-barangay chairman ng Barangay San Carlos si Palo sa nalalapit na barangay election. (NILOU DEL CARMEN)

45

Related posts

Leave a Comment