BARANGAY COUNCILOR ITINUMBA NG RIDER

patay

CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite Police ang hinggil sa pagkamatay ng isang barangay councilor na binaril ng motorcycle rider nitong Linggo ng umaga sa Cavite City.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Felimon Ambrocio Jr. y Santiago, 50, may live-in partner, councilor ng Barangay 54, San Roque, Cavite City

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek na sakay ng isang Yamaha Mio na hindi naplakahan, tinatayang, 5’2″ hanggang  5″5 ang taas, nakasuot ng puting t-shirt, itim na jacket, bull cap at  maong pants.

Ayon sa ulat ng pulisya, magka-angkas ang biktima at live-in partner nito na si Susan Alejo y Edralin sa kanyang motorsiklo dakong alas-8:00 ng umaga.

Ngunit pagsapit sa R. Basa St., Brgy. San Roque, Cavite City, sa kanto ng E. Mariano St., nang pagbabarilin ng suspek ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente upang mabatid ang motibo sa pamamaril at ang suspek sa krimen. (SIGFRED ADSUARA)

54

Related posts

Leave a Comment