CAVITE – Nasamsam ng Cavite police ang baril at droga sa isang hinihinalang tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to COMELEC Gun Ban at RA 9165, ang suspek na si Janzen Manalad y Magalong, nasa hustong edad, ng Brgy. Sto. Niño, Dasmariñas City.
Ayon sa ulat, dakong alas-2:45 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Dasmariñas City Police sa Brgy. Sto. Niño 2, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Manalad.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang unit ng improvised 12 gauge shotgun, isang piraso na bala nito, at tinatayang 0.15 gramo ng shabu na may street value na P1,020 at buy-bust money.
(SIGFRED ADSUARA)
