BARKO MULA THAILAND NA MAY LULANG ASUKAL HINARANG SA BATANGAS

HINDI pinayagan ng Philippine Ports Authority sa Batangas na makadaong sa private port ang isang barko na may lulan na sako-sakong imported na asukal.

Ayon kay PPA Batangas Port Manager Joselito Sinocruz, galing Thailand ang MV DERYOUNG SUNFLOWER na dumating sa Batangas noong October 19, 2022 lulan ang 194,000 bags ng asukal.
Dadaong sana ito sa isang private port sa Bauan pero hindi ito pinagbigyan ng PPA-Batangas dahil batay sa patakaran, dapat ang lahat ng imported na asukal at bigas ay sa government ports lamang pwedeng magbaba at magsakay ng mga kargamento upang maiwasan ang smuggling.

Ang naturang asukal ay inimport ng isang beverage company.

Giit ng PPA-Batangas, papayagan lamang nilang dumaong ang barko kung ito ay sa government port.

Hindi pa malinaw kung bakit sa private port gusto ng barkong MV DERYOUNG SUNFLOWER dumaong. (TJ DELOS REYES)

14

Related posts

Leave a Comment