BARKO NAGLIYAB SA PORT OF BATANGAS

NAGLIYAB ang isang barko pasado alas-5:00 ng hapon noong Biyernes malapit sa Batangas Port.

Ayon sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard, mahigit 80 katao ang lulan ng barko kabilang ang 48 pasahero at 34 crew o staff.

Ang mga pasahero ng barko ay nailigtas na agad dinala sa pagamutan.

Mayroon ding 16 sasakyan ang lulan ng nasabing barko.

Sinabi ng Batangas Port manager, galing ang barko sa Calapan Oriental Mindoro at padaong sa Batangas Port.

Sa kasalukuyan ay nag-iimbestiga pa ang mga awtoridad sa nasabing pangyayari. (CYRILL QUILO)

6

Related posts

Leave a Comment