BARKO NG PH NAVY BINUNTUTAN NG CHINA

MULING pinalagan ng Pilipinas ang China dahil sa naging agresibong aksyon nito sa West Philippine Sea at tangkang pagharang sa resupply mission malapit sa PAGASA Island.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, naglabas ng magkakasunod na radio challenges ang BRP Benguet (LS507) laban sa People’s Liberation Army Navy Ship 621 (PLAN 621) ng China matapos ang ginawa nitong dangerous maneuvers at nagtangkang tumawid sa bow ng barko ng PH Navy.

Ayon sa ulat, sinabi ng PH Navy na ang pag-anino ng barko ng China sa kanilang barko ay may layong 80 yarda, habang ang distansya naman sa pagitan ng dalawang barko ay umabot sa 350 meters na pinakamalapit na distansya ng mga ito, na nangyari sa layong 5.8 nautical miles sa timog-kanluran ng Pag-asa Island, nang magsagawa ng regular na Rotation and Resupply Mission ang Philippine Navy sa Rizal Reef Station.

Umani naman ng papuri ang mga crew ng BRP Benguet sa pagtataboy sa navy ship ng China at sa galing na ipinakita ng kapitan ng barko para makaiwas sa posibleng malagim na disgrasya.

“It is but it is their doing. What prevents accidents from happening are the navigational skills of our sailors, and the professional and restrained conduct of our people,” pahayag ni AFP Spokesman Col Medel Aguilar.

Sa inilabas na radio challenge ng BRP Benguet laban sa barkong pandigma ng China, iginiit nito na paglabag sa Collision Regulations ang kanilang ginawang mapanganib na pagmamaniobra, kasabay ng pagpapalihis dito.

‘Looking at the video footage, it was the PLA-N that changed its course after the exchanges of challenges. In the exchanges of challenges, our Navy personnel warned them that they were violating specific provisions of Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS). Still, the act of deliberately attempting to cross the path of our vessel is irresponsible and unprofessional,” pahayag pa ni Col. Medel.

Naniniwala ang pamunuan ng AFP na posibleng maulit pa ang kahalintulad na aksyon ng PLA Navy base na rin sa kanilang counter-response kung saan muli na naman nitong binanggit ang kanilang walang basehang “ten-dash line” narrative.

Pahayag naman ni Col. Medel. “It’s up to them but such actions will only destroy their image further internationally as such actions show how they disrespect international laws and conventions and reveal their blatant disregard to the well-being of other people’s lives.”

Ayon kay WESCOM chief, Vice Admiral Alberto Carlos, ang ganitong uri ng mga aksyon ng China ay nagdudulot ng malaking panganib sa maritime safety, collision prevention, at sa buhay ng tao sa karagatan, dahilan kung bakit dapat na aniyang itigil ng naturang bansa ang ganitong uri ng mga gawain at kumilos nang propesyonal na naaayon sa International Law.

(JESSE KABEL RUIZ)

419

Related posts

Leave a Comment