BATA NAGLUPASAY SA NATANGGAP SA EXCHANGE GIFT

NAGLUPASAY sa pagkadismaya ang isang bata dahil sa natanggap na regalo sa exchange gift sa kanilang Christmas party sa eskwelahan.

Ayon sa FB post ng magulang ng bata, nag-iiyak ang kanyang anak nang makita ang laman ng kanyang natanggap na regalo.

Unang inakala na isang brand ng fresh milk ang kanyang natanggap subalit pinagbalutan lamang pala ito.

Ang laman ng kahon ay dalawang putol ng sabong panlaba, isang sabong pampaligo, dish washing liquid at dish washing scrubbing pad.

Mensahe ng magulang sa nagbigay ng regalo: “Grabe naman kayo, momentum ng bata ang Christmas party, para sa bata po ‘yan hindi para sa mga magulang. Sobrang nakakadismaya ang ginawa niyo, iyak nang iyak ang anak ko. ‘Yung asawa ko nag-effort bumili nang maayos na ireregalo para sa anak niyo, tapos ganyan makukuha ng anak ko,” ayon sa post nito.

Aniya pa, ang Christmas ay para sa mga bata at hindi para sa mga magulang.

(NILOU DEL CARMEN)

147

Related posts

Leave a Comment