BATA PATAY SA SAGASA NG JEEP NG AMA

QUEZON – Patay ang isang 2-anyos na batang babae matapos na masagasaan ng jeep na minamaneho ng kanyang tatay sa Brgy. Liwayway, sa bayan ng Mauban sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Batay sa report ng Mauban Police noong Lunes, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang nanay ng biktima upang i-report ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon, tanghali noong Linggo, minamaniobra  ng 50-anyos na tatay na si Jonathan Benitez  ang kanyang service jeep  malapit sa kanilang bahay ngunit hindi nito mapansin na tumakbo patungo sa sasakyan ang anak.

Bunsod nito, nasagasaan ang bata na malubhang napinsala ang ulo. Hindi na naisugod sa ospital ang bata na namatay noon din.Tumanggi naman ang nanay ng biktima na mag-file ng kaso hinggil sa insidente. (NILOU DEL CARMEN)

231

Related posts

Leave a Comment