BATA PATAY SA SUNOG SA LUCENA CITY

patay

LUCENA CITY – Patay ang isang 11-anyos na batang lalaki sa sunog na tumupok sa kanilang bahay sa Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito, noong Martes ng gabi.

Ayon sa Lucena City Police, nagsimula ang sunog dakong alas-9:00 ng gabi sa dalawang palapag na residential house na pag-aari ng 58-anyos na si Teresa De Vera, sa loob ng University Site Village.

Nakita na lamang ng mga kapitbahay na naglalagablab ang bahay at may sumisigaw at humihingi ng tulong sa loob subalit hindi nakapasok ang mga nais tumulong dahil sa mabilis na paglaki ng apoy.

Agad nagresponde ang mga tauhan ng Lucena City BFP at naapula ang sunog na umabot sa unang alarma, makaraan ang mahigit isang  oras.

Pagkaraan ay nadiskubre ang katawan ng biktimang si Alfredo Bermejo Reniva III, na hindi nakalabas matapos makulong sa isa sa mga kuwarto dahil sa steel grills na nakalagay sa bintana nito.

Inaalam pa ng mga tauhan ng Lucena City BFP ang posibleng dahilan ng sunog. (NILOU DEL CARMEN)

11

Related posts

Leave a Comment