BBM BALIK-BANSA MULA SA ASEAN-JAPAN SUMMIT

BALIK-Pilipinas na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mula sa kanyang pagdalo sa ika-50 na ASEAN-Japan Commemorative Summit.

Nakarating sa bansa ang pangulo at kanyang delegasyon, 10:38 ng gabi ng Lunes (Dec. 18).

Sa kanyang arrival speech, inihayag ng pangulo ang mga hakbang ng Pilipinas para sa malinis na enerhiya.

Inanyayahan ng pangulo ang mga miyembro ng Asia Zero Emission Community na mamuhunan sa renewable energy ng bansa.
Nag-uwi rin ng dagdag investment pledges si Pangulong Marcos at kanyang delegasyon mula sa meeting kasama ang Japanese business community.

Ayon sa pangulo, mayroong P14.5 billion na halaga ng investments at pledges ang pakikinabangan ng bansa na inaasahang makalilikha ng 15,750 trabaho.

Ayon kay Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go, mahigit sa 20 kumpanya ang nagbigay ng updates sa pangulo ng kanilang pledges simula sa kanyang Japan trip noong Pebrero.

Ani Go, natatamasa na ngayon ng bansa ang mga bunga ng pagbisita ni Pangulong Marcos sa Japan ngayong buwan at noong Pebrero.

Sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Japan ay nagkaroon ng aktwal na pamumuhunan na humigit-kumulang P169 billion.

Pang. Marcos binigyang pagkilala sa mga hakbang ng pamahalaan sa usapin ng migration at human mobility

Binigyang pagkilala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng international office for migration dahil sa mga hakbang ng pamahalaan sa usapin ng migration at human mobility.

Ang climate and human mobility recognition ay inanunsyo ni Environment Secretary Antonia Yulo-Loyzaga.

Kasama ni Maros na nabigyan ng nasabing pagkilala ang presidente ng Sudan.

“Ito po ay isang [This is a] pavilion together with the international office for migration recognizes achievements in terms of migration and how we are handling human mobility as a whole,” ayon kay Loyzaga.

Dumalo si Loyzaga sa global climate mobility pavilion sa Conference of Parties sa Dubai kung saan tinalakay ang mga usapin kaugnay sa human mobility at migration.

“For us at this point, we are very conscious about migration and how some countries are needing in fact to manage to retreat away from the sea but also to retreat to other countries wherein they might have to find new places to live,” dagdag pa ni Loyzaga.

Ang nasabing mga usapin ani Loyzaga ang tututukan ng gobyerno ng Pilipinas.

109

Related posts

Leave a Comment