BEBOT ITINUMBA SA SEMENTERYO

NAMATAY noon din sa pinangyarihan ng krimen ang isang 33-anyos na dalaga, habang sugatan naman ang kasama nito, nang pagbabarilin ng isang hindi pa natukoy na gunman sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Manila noong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktimang napatay na si Marivic Quison, residente ng Banawe, Quezon City, habang sugatan ang kasama nitong si alyas “Judy Ann”, 28, waitress, inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Samantala, patuloy namang pinaghahahap ng mga pulis ang tumakas na suspek.

Ayon kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-3:20 ng hapon nang pagbabarilin ng suspek ang target na si Quison at nadamay lamang umano si Judy Ann.

Hinihinala ng mga awtoridad na love triangle ang motibo sa krimen at nagkataong Valentine’s Day nang mangyari ang insidente.

Agad namang nagresponde sa lugar si Turla kasama si Det. Sir Christian Joseph Pineda, at Police Captain Ferdinand Cayabyab ng Blumentritt PCP, sakop ng Station 3 para mag-imbestiga sa insidente. (RENE CRISOSTOMO)

116

Related posts

Leave a Comment