BEBOT TIMBOG SA P3.5-M SHABU

QUEZON – Himas-rehas ang isang dalaga makaraang madakma ng mga awtoridad sa buy-bust operation at nakumpiskahan ng P3.5 milyong halaga ng umano’y shabu sa Brgy. Pili, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan nitong Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay Sariaya Police chief, Police Major Romar Pacis, ang suspek ay kinilalang si alyas “Sharon,” 47-anyos, residente ng Brgy. Isabang Tayabas City, nakatala bilang “newly identified drug personality”.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang matiyempuhan ito ng mga awtoridad matapos matiktikan na may dalang malaking bulto ng droga na naipuslit patungo sa Quezon mula sa kanyang pinag-aangkatan sa isang lugar sa Alabang, Muntinlupa.

Kumagat umano ito sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Sariaya Police na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang 175.98 kilo ng umano’y shabu na tinatayang may Dangerous Drug Board (DDB) value na P1,196, 664, at P3,589, 992 ang street value.

Nakakulong na ang suspek sa Sariaya Police station locked-up cell at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(NILOU DEL CARMEN)

44

Related posts

Leave a Comment