SINABI ng Commission on Audit (COA) na ang Bureau of Fire Protection (BFP) ay tumanggap ng isang unmodified opinion sa kauna-unahang pagkakataon sa fiscal year ng 2022 at nakakuha ito ng perfect score na 20.
Ayon sa COA, ang report ay batay sa Financial Management Performance Rating based on the financial audit performed nitong period na 2022 ni Michael R. Bacani, Director Cluster 4, Defense and Security.
Batay sa report ng COA, tumanggap ang BFP ng 93 percent score na may equivalent rating ng excellent score sa kauna-unahang pagkakataon ng Financial Performance Rating report.
Magugunitang pinaboran ng COA ang aksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa modernization program upang makaagapay sa makabagong panahon.
Ayon pa sa COA report, walang mali sa aksyon ng BFP sa paglalagay ng teknikal na requirements na kailangan makasabay ang Bureau of Fire sa makabagong pamamaraan at modernization program ng BFP.
Samantala, sinabi pa sa COA report ng Financial Management Performance Rating ang BFP ay nakakuha ng excellent rating nitong nakalipas na period ng 2022.
Noong 2010, ang BFP ay naglunsad ng kanilang Modernization Program alinsunod sa Comprehensive Fire Code of 2008. Pangunahing adhikain nito ay mag-upgrade para sa firefighting capability nito na may sapat na personnel at kaukulang equipment ng pamatay sunog upang maprotektahan ang mga tao sa mapanganib na sunog.
Nabatid pa sa COA report na ang kabuuang pondo ng Modernization Program ay nagkakahalaga ng P13.17 Bilyon mula sa taong 2011 hanggang 2017.
Ayon pa sa COA report na walang mali sa technical requirement sa mga inilagay na requirements para sa modernization program dahil nakaayon ito sa performance audit ng COA.
Naniniwala rin ang Komisyon na dapat palakasin ng pamahalaan ang kampanya nito hinggil sa pagsugpo sa mga sunog kasabay ng isinasagawang modernization program nito.
Noong 2019, inihain ni Senador Bong Go ang panukalang batas sa Senado na nag-aatas sa BFP na magpatupad ng modernization program.
(PAOLO SANTOS)
213