BI NAGBABALA LABAN SA ‘BITBIT’ SCHEME

INALERTO ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Pinay laban sa human trafficking scheme na tinatawag na “Bitbit” na sa ibang bansa ginagawa ang talamak na sex trade.

Ito ay matapos masakote ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong March 22, 2024 ang isang lalaki at kasamang Pinay bago sila makasakay sa kanilang flight patungong Kota Kinabalu, Malaysia.

Hindi naman tinukoy ng BI ang pagkakakilanlan ng lalaki at ang kasama nitong babae na umano’y live-in partner niya.

Duda si Immigration Commissioner Norman Tansingco na isa itong kaso ng “Bitbit” scheme kung saan ang madalas na biyahero ay nagtatangkang magsama ng babaeng biktima na nilinlang sa pagtatrabaho bilang isang sex worker sa ibang bansa.

Sinabi ng BI, una nang sinabi ng lalaki sa mga immigration officer na siya at ang kanyang kasamang babae ay magbabakasyon lamang.

Posibleng maharap ang lalaking suspek sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.

(JULIET PACOT)

41

Related posts

Leave a Comment