Biggest fire sa Isabela BFP BLANGKO SA TRAHEDYA NG 500 PAMILYA

PATULOY ang imbestigasyon ng arson investigators ng Bureau of Fire Protection at Basilan PNP sa nangyaring malaking sunog sa Isabela City na tumupok sa 235 kabahayan nitong Linggo.

Ayon sa inisyal na ulat ng Basilan provincial government, aabot sa 500 pamilya ang nawalan ng matutuluyan kasunod ng naganap na sunog sa kanilang lugar.

Hanggang kahapon ay sinisiyasat pa rin ng Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng sunog.

Kaugnay nito, nananawagan ang lokal na pamahalaan ng Isabela sa publiko na tulungan ang mga biktima ng sunog na ngayo’y nangangailangan ng mga damit, pagkain, malinis na tubig at hygiene kits. JESSE KABEL

75

Related posts

Leave a Comment