BIGTIME MARIJUANA PUSHER HULI NG PDEA

LAGLAG sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang itinuturing na bigtime marijuana pusher sa Barangay Andres Bonifacio, Diffun, Quirino Province.

Ayon kay Director III Levi S. Ortiz ng PDEA Regional Office 2, nahuli ng kanyang mga tauhan sa inilatag na buy-bust operation ang suspek na si Ryan Cabrina Butchayo, Jr.

Batay sa report ni  Dir. Ortiz kay Director General Amoro Virgilio Lazo, nakumpiska mula kay Butchayo Jr. ang isang 30 ml na bote ng cannabis oil na tinatayang may market value na P3,000;

Dalawang sachet ng mga tuyong dahon ng marijuana, dalawang pack na tuyong dahon ng marijuana na nakabalot ng brown na papel, isang pack na dahon ng marijuana na nakabalot ng puting papel at apat na brick na naglalaman ng mga tuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng  6 kilo na may tinatayang market value na P20,000, isang unit ng Android phone at buy-bust money. (JESSE KABEL RUIZ)

183

Related posts

Leave a Comment