BIKER, NAPISAK SA TRACTOR HEAD

NAMATAY noon din ang isang 19-anyos na binatilyo makaraang mabundol at pumailalim sa tractor head na may hatak na trailer, sa southbound lane ng Mel Lopez Boulevard sa panulukan ng Gate 6, Port Area, Manila noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Allen Baraguir ng Meneses St., Bagong Lupa, Baseco Compound, Port Area.

Samantala, kusang-loob namang sumuko sa tanggapan ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, commander ng Manila Police District- Baseco Police Station 13, ang driver ng truck na si Marvin Alcubilla, 40, binata, ng Talon  1, Las Piñas City.

Itinurn-over na ang suspek sa Manila District Traffic Enforcement Unit para sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

Base sa ulat na isinumite ni Police Lieutenant Tom Fallar, chief Investigator, kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng MDTEU, bandang 11:45 ng gabi nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni Patrolman Arnel Magante, kapwa binabaybay ang Mel Lopez Boulevard ng dalawang sasakyan, ngunit pagsapit sa Gate 6, nang masagi ng kanang gulong ng truck ang harapan ng bisikleta ng binatilyo.

Bunsod nito, nawalan ng panimbang ang biktima at pumailalim sa tractor head na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.  (RENE CRISOSTOMO)

24

Related posts

Leave a Comment