BIKTIMA NG SALVAGE, ITINAPON SA HIGHWAY

patay

QUEZON – Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki na biktima ng pamamaril, ang itinapon sa gilid ng highway sa Eco Tourism Road, Sitio Bagong Pook, Brgy. Talaan Aplaya, sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, nitong Martes ng umaga.

Nadiskubre ng nagpapatrolyang mga pulis na sakay ng police mobile car, ang bangkay ng biktima na nakabulagta sa damuhan sa gilid ng highway dakong alas-6:45 ng umaga.

Ayon sa report ng Sariaya Police, malaki ang posibilidad na itinapon lamang sa lugar ang bangkay para iligaw ang imbestigasyon.

Walang ano mang nakitang piraso ng ebidensya sa lugar o mga basyo ng bala bagamat tadtad ito ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo.

Tinatayang may edad na 40 hanggang 45-anyos ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima. (NILOU DEL CARMEN)

175

Related posts

Leave a Comment