BILATERAL EXERCISE NG PILIPINAS AT ESTADOS UNIDOS NAKALATAG NA

AARANGKADA na ngayong Lunes, Oktubre 2, 2023 ang taunang sabayang bilateral exercise sa pagitan ng Philippine Navy at United States Navy.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Gil Ileto, gaganapin ang “Exercise Samasama” sa Naval Forces Southern Luzon area of operations.

Ito ang ika-anim na SAMASAMA Bilateral exercises ng mga hukbong pandagat ng dalawang bansa na nakatakdang ilunsad mismo sa Philippine Headquarters sa Maynila kung saan isasagawa ang pambungad na ehersisyo ng Philippine Navy at United States Navy.

Ipamamalas ng dalawang hukbo ang kani-kanilang mga kakayahan kabilang ang pagsasagawa ng iba’t ibang mga misyon. Kabilang sa mga pagsasanay sa anti-submarine warfare, anti-surface warfare, anti-air warfare at electronic warfare.

Kabilang sa mga pagsasanay na dadaanan ng mga kalahok ay ang Subject matter expert exchanges kung saan ay makasasabay sa pagsasanay ng PH at US navies ang mga hukbong pandagat na mula sa Japan, United Kingdom, Canada, France, at Australia.

Habang magsisilbi namang mga observer ang navies ng New Zealand at Indonesia.

Layunin ng mga magkasamang pagsasanay na ito na mas mapahusay pa ang interoperability ng mga hukbong pandagat na magiging kalahok, gayundin ang pagpapaigting pa sa relasyon at samahan ng Pilipinas sa mga kaalyado pang mga bansa nito.

Habang lalahok naman ang Royal New Zealand Navy at Indonesian Navy bilang observers.

Tatagal ang Exercise Samasama sa bansa hanggang Oktubre 13, 2023.

(JESSE KABEL RUIZ)

180

Related posts

Leave a Comment