BINATA ITINUMBA SA ARAW NG PASKO

QUEZON – Patay ang isang binata matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa loob mismo ng kanilang bahay sa bayan ng San Andres sa lalawigang ito, noong araw ng Pasko.

Kinilala ang biktimang si Randy Mendoza, residente ng Barangay Camflora.

Batay sa report ng San Andres Police, bandang alas-6:00 ng gabi, nagluluto ng hapunan sa kanilang bahay ang biktima nang pasukin ng tatlong armadong kalalakihan na pawang nakasuot ng bonnet.

Pinagbabaril ng mga ito ang biktima na agad nalagutan ng hininga dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Agad ding tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril.

Inaalam pa ng mga pulis ang posibleng motibo sa krimen at kung sino ang mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

4

Related posts

Leave a Comment