BINATA NATUMBOK NG JEEP, PATAY

CAVITE – Patay ang isang binata nang masagasaan ng isang pampasaherong jeepney habang tumatawid sa kalsada sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan noong Linggo ng gabi.

Isinugod sa CARSIGMA Hospital ang biktimang si Reuege Zusuki, nasa hustong gulang, ng Brgy. Elises, GMA, Cavite subalit idineklarang dead on arrival.

Kinilala naman ang driver ng pampasaherong jeepney na may plakang DXK 695, na si alyas “Ronald”, 52-anyos.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:42 ng gabi, habang tumatawid sa kalsada ang biktima sa Congressional Road, Brgy. Elises, GMA, Cavite, nang masagasaan ito ng pampasaherong jeepney na minamaneho ni alyas “Ronald”.

Bagama’t naisugod sa ospital ay hindi umabot nang buhay ang biktima.

(SIGFRED ADSUARA)

142

Related posts

Leave a Comment