BINATILYO PATAY SA MISTAKEN IDENTITY?

CAVITE – Pinagbabaril hanggang sa napatay ng dalawang  kalalakihan ang isang 18-anyos na binatilyo habang nakikipag-usap sa telepono sa Dasmariñas City noong Lunes.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Luis Daniel Frianela, residente ng Barangay Paliparan 3 makaraang biglang pagbabarilin ng mga suspek sa labas ng kanilang bahay.

Ayon kay Police chief, Lt .Col. Juan Oruga, maaaring ‘mistaken identity’ ang nangyari dahil ang target ng mga gunman ay ang bayaw nito.

Base sa salaysay ng pamilya, napaaway sa paglalaro ng billiards ang bayaw ng biktima sa hinihinalang mga suspek na sina alyas “Payat” at “Hudas” noong Disyembre 9.

Dahil magkapareho ng suot na damit ang biktima at ang bayaw kaya maaaring napagkamalan ito. (CYRILL QUILO)

42

Related posts

Leave a Comment