BINATILYONG MIYEMBRO NG DRUG GROUP, TIMBOG

CAVITE – Nadakip ang isa sa mga kabataang miyembro ng Usman drug group at nasa listahan ng high value individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Norlito Bigot y Estipona alyas “Jojo Cordero”, 18, ng Brgy. Malagasang 2C, Imus City, Cavite.

Ayon sa ulat ni Corporal Marnol Cunanan ng Imus City Police, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU)-Cavite PPO sa Brgy. Malagasang 2C Imus, City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang tinatayang limang gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P34,000 at buy bust money.

Si Bigot na isa sa pinakabatang miyembro ng Usman drug group at nasa listahan ng HVIs, ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (SIGFRED ADSUARA)

24

Related posts

Leave a Comment