INARESTO ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest ang isang 64-anyos na Intelligence Agent II ng Revenue Integrity and Protection Service (RIPS) ng Bureau of Internal Revenue (BIR), dahil sa kasong robbery, sa Manila City Hall sa Ermita, Manila noong Lunes ng umaga.
Kinilala ang suspek na si alyas “Chris Velarde”, residente ng Bagong Barrio, Caloocan City.
Ayon kay Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Investigation Division 2, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District, bandang alas-10:20 ng umaga nang arestuhin ang suspek sa nasabing lugar.
Pinangunahan nina Police Lieutenant Celso Sorita Jr. at Police Executive Master Sergeant Mario Cruz ang pagsisilbi ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Cirili Maduro Foja, ng Regional Trial Court Branch 6 ng Manila, sa kasong robbery.
(RENE CRISOSTOMO)
144