BISITA ITINUMBA SA BIRTHDAY PARTY

RIZAL – Patay ang isang bisita makaraang pagbabarilin sa birthday party habang patay rin ang isang lalaki makaraang paputukan habang nagmamaneho ng motorsiklo sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito.

Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya, ang mga biktimang sina Rez Latoza Leonor at Nemencio Timonera, kapwa nasa hustong gulang.

Unang binaril at napatay ng hindi kilalang suspek si Latoza, dakong alas-9:25 ng gabi noong Agosto 31 sa Brgy. San Jose habang nakikipag-inuman sa kaibigan na si Pedro Lucena Jr. na nagdiriwang ng kaarawan.

Habang dakong 11:45 ng gabi naman ng nasabi ring petsa, sakay ng motorsiklo si Timonera sa Brgy. Macabud nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa madilim na bahagi ng lugar.

Blangko pa ang mga awtoridad hinggil sa motibo sa dalawang krimen at kung sino ang mga suspek. (ENOCK ECHAGUE)

Related posts

Leave a Comment