BIYAHE NG LRT SA CAVITE MALAPIT NA

MALAPIT nang maranasan ng mga Caviteño at kalapit lalawigan ang gaan ng kanilang pagbiyahe matapos inanunsyo ng Department of Transportation  (DOTr) at ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang ginagawa nilang double time na pagtatrabaho para sa  LRT-1 Cavite Extension Project na nakatakdang buksan sa susunod na taon.

Nabatid na halos 73% na ang natatapos sa nasabing proyekto.

Sa kasalukuyan, ang trackwork installation ay halos 50% na ang nagawa habang ang trabaho sa electromechanical works, kung saan kabilang dito ang paglalagay ng railing at instalasyon ng electrical system gayundin ang konstruksiyon sa lima pang karagdagan na istasyon kabilang ang Redemptorist, MIA, PITX Asia World, Ninoy Aquino, at Dr. Santos, ay nasa full blast na  ang kanilang trabaho.

Inaasahan na ‘pag natapos ang proyekto ay malaking kabawasan ang pagbiyahe mula Baclaran hanggang Bacoor City, Cavite na 25 minuto na lamang mula sa kasalukuyan na isang oras at sampung minuto. (SIGFRED ADSUARA)

9

Related posts

Leave a Comment