BIYAHE NG PNR NAANTALA SA LINDOL

PANSAMANTALANG natigil ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) matapos maramdaman ang pagyanig sa ilang bahagi ng bansa, Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), bukod sa biyahe, natigil din ang transaksyon sa mga opisina matapos magkanya-kanyang labas ang mga empleyado nang maramdaman ang lindol.
Payo ng DOTr, abangan ang kanilang anunsyo sa official Facebook page para sa karagdagang updates sa mga biyahe ng tren.

Bukod sa mga opisina, natigil din ang klase sa ilang eskwelahan habang ang Arellano University sa Legarda, Manila ay nagsuspinde ng klase.

Tumama ang magnitude 5.3 na lindol sa Tinaga Island, Camarines Norte na naramdaman din sa ilang bahagi ng Luzon at Metro Manila. (RENE CRISOSTOMO)

29

Related posts

Leave a Comment