BIYUDA PATAY SA SAKAL NG SEKYU

CAVITE – Dinampot ng mga awtoridad ang isang security guard na inakusahan ng pananakal na nagresulta sa kamatayan ng isang biyuda sa Bacoor City, sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Nasa kustodiya na ng pulisya si John Martir, 51-anyos, binata, ng Brgy. Molino 4, Bacoor City, suspek sa pagkamatay ng biktimang si Ma. Nerresa Hemilla y Clavel, nasa hustong edad, ng nasabi ring barangay.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon nang i-report ni Mary Jane Hemilla y Clavel, anak ng biktima, na dinala ng suspek ang ginang sa Metro South Hospital kung saan ito idineklarang dead on arrival.

Ang insidente ay nangyari umano sa loob ng bahay ng biktima sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite

Base sa inilabas na autopsy report ng ospital, lumabas na namatay ang biktima sa pamamagitan ng ‘asphyxia by strangulation’.

Agad humingi ng tulong ang pamilya ng biktima at ipadampot ang suspek na inakusahang siyang sumakal sa ginang.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung ano ang kaugnayan ng suspek sa biktima at kung may partisipasyon ito sa pagkamatay ng ginang. (SIGFRED ADSUARA)

35

Related posts

Leave a Comment