BOMBA NAHUKAY SA MALATE

NAHUKAY ng mga construction worker ang isang 81MM mortar na ginamit noong World War II, sa isang commercial building sa Remedios Street, Malate, Manila noong Huwebes ng hapon.

Agad namang kinordon ng mga tauhan ng Manila Police District- Ermita Police Station 5, ang lugar habang inutos ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz , station commander, na ipagbigay-alam ang insidente sa tanggapan ng District Explosive Canine Unit ( DECU) ng Manila Police District.

Hindi naman nag-aksaya ng oras ang mga tauhan ng DECU at agad na sinuri ang nasabing bomba.

Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Emiliano Boño, bandang alas-2:42 ng hapon nang magresponde sa lugar ang mga awtoridad makaraang matagpuan ang bomba sa isinagawang digging operation sa 12 storey commercial building sa nasabing lugar.

Nabatid sa imbestigasyon na walang kapasidad na sumabog ang vintage bomba na itinurn-over na sa Explosive Ordnance Division.

(RENE CRISOSTOMO)

132

Related posts

Leave a Comment