BRGY. CHAIRMAN ARESTADO SA AMBUSH SA 7 PDEA AGENTS

INARESTO ng mga tauhan ng  National Bureau of Investigation ( NBI) ang isang incumbent barangay chairman sa Inudaran, Tagoloan II , Lanao Del Sur, na kabilang umano sa responsable sa pag-ambush sa pitong miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Malna, Kapai, Lanao Del Sur noong Oktubre 2018.

Kinilala ni NBI OIC Director Eric Distor ang suspek na si William Gandawali Cumayog, barangay chairman at dating municipal mayor ng Tagoloan II, Lanao Del Sur.

Batay sa ulat ng NBI Iligan District Office (MBI-ILDO) bandang  alas-3:00 ng hapon nang isilbi ang arrest warrant sa suspek noong Abril 13, 2022.

Pinangunahan ito ni Atty. Abdul Jamal Dimaporo, kasama ng mga operatiba ng PDEA/SOG LDSPPO, at Special Action Force (SAF), sa Pilintangan, Wao, Lanao Del Sur.

Nakuha ng mga awtoridad sa nasabing suspek ang M79 grenade launcher at M16 rifle na umano’y ginamit sa pag-pambush sa 7 PDEA agents, at ang nasugatang si Patrolman Rasul Asilum.

Sinasabing lider ito ng Gandawali group na sangkot din sa illegal drug activities at mastermind sa ambush-killing ng 7 ahente ng PDEA noong Oktubre 2018.

Kaugnay nito, iniutos ni Director Distor na magsagawa ng follow-up operation para sa iba pang sa iba pang kasamahan ni Cumayog sa pag-ambush sa 7 PDEA agents. (RENE CRISOSTOMO)

100

Related posts

Leave a Comment