BRGY. CHAIRWOMAN, MISTER PATAY SA TANDEM SA TARLAC

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang babaeng barangay captain at ang asawa nito matapos tambangan ng armadong riding in tandem sa Barangay San Juan, Ramos, Tarlac noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Police Regional Office 3 director, BGen. Jose Hidalgo Jr. ang mga biktimang sina Brgy. Chairwoman Editha Sarsuela, 61, newly elected sa Barangay Plastado sa Gerona, Tarlac, at Edgar Sarsuela, 68.

Batay sa panimulang imbestigasyon, bandang alas-7:20 ng umaga, habang nagsasagawa ng routine biking session ang mag-asawa nang biglang humarang sa kanila ang magka-angkas na mga suspek at walang habas silang pinagbabaril.

Nabatid mula sa mga miyembro ng PNP SOCO (Scene of the Crime Operatives), agad namatay ang mga biktima sanhi ng multiple gunshot wounds sa kanilang katawan.

Nabatid na ang napaslang na kapitan ay nasa ikatlo at huli nang termino, at ayon sa constituents nito ay kilala bilang honest government official at walang kaaway.

Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon si Police Major Marvin Mara, chief of police ng bayan, upang mabatid ang motibo sa insidente.

(ELOISA SILVERIO)

170

Related posts

Leave a Comment