‘BROMANCE’ SA FASTFOOD MALA-TELESERYE

cavite

CAVITE – Mistulang eksena sa shooting ng isang teleserye ang insidenteng nangyari sa loob ng isang sangay ng fastfood chain, nang magkaroon ng sampalan at labo-labo habang saksi ang mga customer nang komprontahin ng isang lalaki ang kanyang lover na service crew hinggil sa lumalamig nilang relasyon sa Cavite City noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang mga sangkot na sina alyas “Carlo”, 25, service crew; “Justin”, “John”, 19, service crew at kaibigan ng una, at “Joshua” na kaibigan ni “Justin”.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:04 ng hapon nang nagsimula ang eksena sa loob ng isang sangay ng kilalang foodchain sa P. Burgos St., Brgy 27, Cavite City.

Pumasok umano sa fastfood si “Justin” at hinahanap si “Joshua”, na isang service crew.

Nag-usap ang dalawa hinggil sa kanilang ‘relasyon’ subalit hindi nagkaintindihan na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa sinampal sa mukha ni “Justin” ang lover.

Dito na nagsimula ang labo-labo nang namagitan ang mga kaibigan ng magkabilang panig na nasaksihan naman ng ilang mga customer na pinanood ang isang madramang teleserye.

Dumating naman ang patrollers ng Cavite Police at dinala sa presinto ang mga sangkot at dumating din ang mga kamag-anak ng bawat isa kung saan pinag-usapan na lamang nang mahinahon ang kanilang problema.

(SIGFRED ADSUARA)

118

Related posts

Leave a Comment